SOLENN HEUSSAFF, PINASILIP ANG PINAPAGAWA NILANG BAHAY NI NICO BOLZICO

- Pinasilip ni Solenn Heussaff ang pinagawa nilang bahay ni Nico Bolzico na sinimulan noong taong 2021

- Sa kanyang binahaging bagong YouTube video ay pinakita niya ang mga construction development sa kanilang tinawag na #CasaBolzico

- Naibahagi nilang nagkaroon lang ng mga aberya dahil nga sa pandemya na nagdaan

- Sa susunod na video na ibabahagi niya ay ipapakita niya ang ilan update sa kanilang pinagawang bahay at unti-unti na daw matapos ang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Solenn Heussaff ang bahay nila ni Nico Bolzico na sinimulan nilang ipagawa noong taong 2021. Dahil sa pandemya ay nagkaroon din ng mga aberya sa pagpapagawa nila ng bahay.

Binahagi ng mag-asawang Soleen at Nico ang video na kuha mula sa kanilang pagpunta sa pinapagawang bahay.

Hindi pa masyadong tapos ang bahay sa pinakitang video ni Solenn ngunit pinasilip nila ang mga silid at ang walk-in closet ni Solenn.

Mayroon din silang pinagawang swimming pool ngunit hindi pa rin ito natatapos.

Kahit hindi nasusunod ang kanilang mga target date para makalipat na sa bagong bahay, pinili ng mag-asawa na magpakapositibo kaugnay dito.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Can’t wait! I’ve always loved the aesthetics of your current home. It will be neat to see your new home.
Hi Solenn & family...soooo excited to move in with you in the new house...you are such a wonderful person & thank you for sharing your house construction, I am learning a lot...
Ang ganda. practical pero tasteful. Thank you for sharing! Excited to see your new house & building ours in the near future.

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang segurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Kamakailan ay binahagi ni Solenn ang video na kuha noong siya ay manganak sa pangalawang pagkakataon. Aniya, mas naging madali ang kanyang panganganak sa pangalawang baby na kanilang pinangalanang Maëlys Lionel. Natatawa lang si Solenn habang inamin niyang hango sa pangalan ng sikat na Argentinian professional footballer na si Lionel Messi. Matatandaang hindi maitago ni Nico ang kanyang galak nang manalo ang bansang Argentina sa World Cup 2022 kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-03-18T22:42:28Z dg43tfdfdgfd